COVID-19 – Ang Mga Dapat Mong Malaman
Pag-Iwas Ang bagong Coronavirus, na kilala din bilang covid-19 ay pinaniniwalaang kumakalat sa mga tao na malapit sa isa’t isa dulot ng mga patak na galing sa ubo at bahing. Maaari din mahawa sa virus kapag hinawakan mo ang iyong bibig, ilong at mata pagkatapos hawakan ang isang bagay na may virus. May iba’t-ibang paraan kung paano protektahan ang iyong sarili, iyong pamilya, at iyong komunidad sa virus. Ang pinaka-epektibong paraan ay ang madalas na paghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig na hindi kukulang sa 20 na segundo, lalo na pagkatapos manggaling sa isang pampublikong lugar o pagkatapos ng pagsinga, pag-ubo, o pagbahing. Mahalaga na iwasan ang mga taong maaaring makahawa at iwasan ang mga lugar na maraming tao upang maprotektahan ang iyong sarili at angibang tao. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit (maliban sa pagkuha ng pangangalagang medikal), takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing gamit ang isang tisyu o ang loob ng iyong siko. Alalahaning linisin at i-disi...