COVID-19 – Ang Mga Dapat Mong Malaman

Pag-Iwas

Ang bagong Coronavirus, na kilala din bilang covid-19 ay pinaniniwalaang kumakalat sa mga tao na malapit sa isa’t isa dulot ng mga patak na galing sa ubo at bahing. Maaari din mahawa sa virus kapag hinawakan mo ang iyong bibig, ilong at mata pagkatapos hawakan ang isang bagay na may virus. May iba’t-ibang paraan kung paano protektahan ang iyong sarili, iyong pamilya, at iyong komunidad sa virus.

Ang pinaka-epektibong paraan ay ang madalas na paghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig na hindi kukulang sa 20 na segundo, lalo na pagkatapos manggaling sa isang pampublikong lugar o pagkatapos ng pagsinga, pag-ubo, o pagbahing. Mahalaga na iwasan ang mga taong maaaring makahawa at iwasan ang mga lugar na maraming tao upang maprotektahan ang iyong sarili at angibang tao. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit (maliban sa pagkuha ng pangangalagang medikal), takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing gamit ang isang tisyu o ang loob ng iyong siko. Alalahaning linisin at i-disinfect ang mga bagay na madalas hawakan.

 

Karagdagang impormasyon tungkol sa pag-iwas sa COVID-19 ay makikita dito.

Karagdagang impormasyon tungkol sa paraan ng pagkalat ng COVID-19 ay makikita dito.

Mga Sintomas

Ang bagong Coronavirus, na kilala rin bilang COVID-19 ay maaaring may mga sintomas na banayad hanggang malubha, kabilang dito ang: lagnat, ubo, at igsi ng paghinga na lumilitaw sa loob ng 2-14 na araw pagkatapos ng pagkahawa. Hindi lahat ng may COVID-19 ay makakaranas ng mga sintomas, o maaari din na kung banayad lang ang mga sintomas ay hindi ito pansinin, ngunit maaari pa rin silang makahawa. Ang mga may-edad at mga taong may mahinang pangangatawan at kalusugan ay madaling makakuha ng coronavirus o COVID-19 na maaring maging sanhi ng kamatayan dahil sa paghina ng resistensya.

Kung ikaw ay makaramdam ng mga sintomas ng virus, tawagan ang iyong healthcare provider at kausapin sila tungkol sa iyong mga sintomas, kung paano kang posibleng nahawa, at anumang mga kondisyon na meron ka bago pa nito. Ang iyong healthcare provider ay magpapasya kung kailangan mong magpasuri batay sa impormasyong iyong ibinahagi.

Upang matukoy ang isang potensyal na kaso, ang mga health providers ay maaaring magsagawa ng ilang pagsusuri upang matiyak na hindi ito trangkaso o iba pang mga karaniwang impeksyon. Hindi lahat ng mga healthcare facilities ay may kakayahan para magpasuri sa COVID-19 sa panahong ito, at sa kasalukuyan ay walang gamot para sa Coronavirus.

 

Karagdagang impormasyon tungkol sa mga sintomas at pagsusuri para sa COVID-19 ay makikita dito.

Pagkahanda

May mga hakbang na maaaring gawin upang ihanda ang iyong sarili at ang iyong pamilya sa pagkakataon na kumalat sa iyong komunidad ang Coronavirus o COVID-19. Rekomendasyon ng CDC na gumawa ng isang plano sa pagkilos ang sambahayan, kasama dito ang pag-gawa ng listahan ng mga emergency contact, pag-plano para sa mga paraan ng pangangalaga sa mga maaaring magkasakit, at pagkakaroon ng suplay para sa mga ilang linggo kung sakaling kailangan mong manatili sa bahay ng matagalang panahon.

Gayundin, alalahanin na ang mga lokal na opisyal sa kalusugan ng publiko ay maaaring gumawa ng mga rekomendasyon na natitiyak sa iyong lokal na sitwasyon. Kung paano ka tumugon sa pagkalat (ng COVID-19) ay maaaring depende sa iyong background, sa komunidad kung saan ka nakatira, at ang mga bagay na naiiba sa iyo sa ibang tao. Ang pag-aalaga sa iyong sarili ay makakatulong sa stress sa panahon ng pagkalat ng sakit at ang pagtulong sa iba na makayanan din ang kanilang stress, at ang pagbahagi ng tamang impormasyon tungkol sa virus ay maaaring magpalakas sa iyong komunidad


Karagdagang impormasyon tungkol sa pagkahanda para sa COVID-19 ay makikita dito at dito.



Comments

Popular posts from this blog

Impormasyon tungkol sa Coronavirus

Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver

Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya