Posts

Coronavirus disease (COVID-19): Paano alagaan ang isang taong may COVID-19 sa bahay – Payo para sa mga caregiver

Image
 Kung nag-aalaga ka ng taong may COVID-19, sundin ang payong ito para protektahan ang iyong sarili at iba pang tao sa bahay, pati na rin ang mga tao sa iyong komunidad. Limitahan ang paglapit : Isang malusog na tao lang ang dapat magbigay ng pangangalaga.  Huwag magpahgamit ng mga personal na gamit sa taong may sakit,gaya ng mga sipilyo, tuwalya, kubrekama, kubyertos, o elektronikong device.  Gumamit ng banyo na hindi ginagamit ng taong may sakit, kung posible. o Kung hindi ito posible, dapat ibaba ng taong may sakit ang takip ng kubeta bago mag-flush.  Posibleng maipasa ng ilang tao ang COVID-19 kahit na hindi sila nagpapakita ng anumang sintomas. Makakatulong ang pagsusuot ng mask, kabilang ang hindi non-medical mask o pantakip sa mukha (ibig sabihin, gawa sa hindi bababa sa dalawang layer ng tinahing tela, na idinisenyo para matakpan nang buo ang ilong at bibig, at nakakabit nang mabuti sa ulo sa pamamagitan ng mga tali o ear loop) na protektahan ang ibang tao sa...

COVID-19 – Ang Mga Dapat Mong Malaman

Image
Pag-Iwas Ang bagong Coronavirus, na kilala din bilang covid-19 ay pinaniniwalaang kumakalat sa mga tao na malapit sa isa’t isa dulot ng mga patak na galing sa ubo at bahing. Maaari din mahawa sa virus kapag hinawakan mo ang iyong bibig, ilong at mata pagkatapos hawakan ang isang bagay na may virus. May iba’t-ibang paraan kung paano protektahan ang iyong sarili, iyong pamilya, at iyong komunidad sa virus. Ang pinaka-epektibong paraan ay ang madalas na paghugas ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig na hindi kukulang sa 20 na segundo, lalo na pagkatapos manggaling sa isang pampublikong lugar o pagkatapos ng pagsinga, pag-ubo, o pagbahing. Mahalaga na iwasan ang mga taong maaaring makahawa at iwasan ang mga lugar na maraming tao upang maprotektahan ang iyong sarili at angibang tao. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit (maliban sa pagkuha ng pangangalagang medikal), takpan ang iyong pag-ubo at pagbahing gamit ang isang tisyu o ang loob ng iyong siko. Alalahaning linisin at i-disi...

Impormasyon tungkol sa Coronavirus

Image
 Impormasyon tungkol sa Coronavirus Mayroong paglaganap ng bagong sakit na tinatawag na “novel coronavirus” sa lungsod ng Wuhan, China na nag-umpisa noong Disyembre 2019. Mabilis ang pagbabago ng balita tungkol sa isyu na ito. Dapat manatili kayong may impormasyon upang manatiling ligtas. Mabilis ang pagbabago ng impormasyon Mayroong kumpirmadong mga kaso sa China, Japan, Thailand, South Korea, Taiwan at Estados Unidos mula sa mga pasyente na galing Wuhan. Masyado pang maaga para malaman kung saan talaga nag-umpisa ang bagong virus na ito, o kung paano ito kumakalat. Dahil bago lamang ang virus, patuloy na susubaybayan ng mga awtoridad ang pagkalat nito.  Kumikilos na ang mga opisyal para sa pampublikong kalusugan Kumikilos ang mga opisyal ng pampublikong kalusugan (public health) upang maprotektahan ang publiko. Maingat na mino-monitor ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro ng Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit, CDC) at ng World Health Organization (Organ...

Ambag ko laban sa COVID-19: Kapag sama-sama, kayang-kaya!

Image
Ang kalinisan ay mabisang panangga sa maraming impeksiyon upang mapanatili ang malusog na pangangatawan. Para masiguro ang magandang kalusugan, kailangan nating magtulungan upang mapanatiling malinis ang tubig, ligtas ang pagkain, maayos ang kapaligiran, at maitaguyod ang kalinangan at pagpapahalaga sa mga ito sa lahat ng Pilipino. Ano pa ang maaari nating gawin? Paano pa tayo mas makakatulong sa paglaban sa pandemyang COVID-19? WWF: 1. Maging malinis sa katawan sa lahat ng oras Palaging maghugas ng mga kamay at regular na maligo Ang tamang paghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig ay makakasugpo sa virus! Maghugas ng kamay palagi pagkatapos humawak ng anumang bagay, kung ikaw ay namili sa palengke o grocery, o tumanggap ng anumang bagay na galing sa labas at iyong dinala sa loob ng bahay. Ang regular na pagligo ay importante din sa pagpapanatili ng pangkalahatang kalusugan. Dagdag pa ito sa lubusang pag disinfect o pagpatay ng mga mikrobyo sa katawan matapos mamili sa labas. Takp...

Tumulong Upang Mapahinto ang Pagkalat ng Coronavirus at Protektahan ang Iyong Pamilya

Image
   Ang pandemya ng COVID-19 ay nangangailangan na manatiling maingat tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang bawat isa sa atin ay maaring gawin ang ilang simpleng hakbang upang matulungan ang pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at protektahan ang ating sarili, ating pamilya at ating mga komunidad. Posted BY: FDA Ang mga hakbang ay: Maghugas ng iyong mga kamay nang madalas gamit ang simpleng sabon at tubig. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang pangtakip sa mukha na gawa sa tela o non-surgical mask kapag nasa paligid ng iba Iwasan ang matataong lugar at magsanay ng pagitan mula sa kapwa-tao (manatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan na pagitan mula sa iba) Narito ang ilang mga paraan para sa iyo at sa iyong pamilya na makakatulong para mapabagal ang pagkalat ng sakit na coronavirus. Maghugas ng iyong mga Kamay Una, magsanay ng simpleng kalinisan. Maghugas ng iyong mga kamay nang regular na sabon at tubig sa loob ng 20 segundo - lalo na pagkatapos ng pagpunta s...